Tuesday, 17 March 2015
Hiiiiiii Mahaaal !! <3 Happy 5th monthsary satin ! :) Bilis talaga ng panahon noh, sana ganun din kabilis hanggang sa araw na magkasama na tayo xD pero kahit matagal naman kayang kaya ko maghintay para sayo :* basta I-promise mo aah, na hindi mo ako iiwan :)
alam mo mahal, kung 4 years ago, ikaw yung babaeng pinapangarap ko, ngayon iba na, kasi natupad na yung pangarap na yun, ngayon naman, kung dati pangarap, ngayon naman, ikaw na yung babae na gusto ko makasama hanggang pagtanda ko, di lang pagtanda, nako kung totoo yung after life, at nabigyan ulit ako ng pangalawang buhay, ikaw parin yung pipiliin ko :*
You're the light in my darkest days, yung dating malungkot ko na buhay, puno ng depression, puno ng doubt sa sarili, walang confidence, naiba lahat yun nung dumating ka, lahat ng lungkot tiyaka sakit na naramdaman ko dati nabalewala nung minahal mo ako, tanggap mo kung sino ako, ano man ichura, kahit na baliw ako tanggap mo parin ako, at ikaw lang nakagawa nun :) kadalasan kasi kung di naiinis sa kabaliwan ko, naiirita sa kakulitan ko pero ikaw pag ganun asta ko nacucutean ka pa, kaya simula nung nagging tayo, ikaw na nagging reason kung bakit nakakngiti ulit ako :)
Kung dati ganito yung buhay ko, madilim, puro kalungkutan,
puro sakit, pero mula nung dumating ka lumiwanag na, parang yung dati na puro dilim, plain darkness, na buhay ko.
Ikaw nag light up hindi lang ng buhay ko pati yung buong pagkatao ko, dati kasi hindi ako halos maka ngiti sa lahat ng nangyari sakin, pero dahil sayo ayan, di lang ako nagging palangiti, nagging masiyahin na din ako, palabiro, madaldal, makulit tapos makulit ulit, makulit ulit, makulit ulit, dahil sobrang kulit ko na ngayon xD
Alam ko sa sarili ko na, hindi ako perfect, minsan mabilis magselos, mabilis magtampo, or yung mga effort ko para sayo minsan di ko alam kung naipapakita ko ba sayo ng maayos, pero mahal, gusto ko malaman mo, hindi man ako perfect, sigurado naman ako na ginagawa ko lahat, lahat ng best ko para ma prove sayo na sobrang mahal kita. <3 tiyaka gagawin ko lahat maprove lang sayo yung pagmamahal ko, para mapasaya kita araw araw :)
Alam natin mahal na, yung challenges, darating at darating yan satin, syempre di naman maiiwasan yun eeh, pero yung challenges na yan di makaka porma satin yan, unang una dahil palagi tayong nagkakaintindihan tiyaka nagkakaunawaan, yang challenges na yan pagtutulungan natin na maovercome yan, eto nga kalian lang nagkaruon tayo ng tampuhan, pero mahal wala pang isang oras naayos na natin agad, from tampuhan bumalik agad sa dati, hindi na nagtagal, hindi kasi tayo nagpapadala sa galit eeh, tampo oo di maiiwasan, pero pag pinagusapan, nawawala din agad kadalasan :)
Alam ko mahal yung situation natin mahirap, kasi nga magkalayo tayo, pero mahal gusto ko na malaman mo na, kahit gano man kahirap yung situation natin, hindi ako susuko ng dahil sa nahihirapan lang ako, kasi bandang huli, pag dumating yung araw na magkakasama na tayo, worth it lahat ng pinagdaanan kong hirap, tiyaka pagsubok, dahil sa araw na yun, makakasama ko na yung Queen ko, na tanggap ako, at minahal yung buong pagkatao ko <3
Lagi mong tatandaan mahal, na nandito lang ako palagi para sayo, di kita iiwan, mamahalin lang kita, kasi yun ang makakapag pasaya sakin, tiyaka yung alam ko na masaya ka, yun yung kumukumpleto sa araw ko :) wag kang gigive up aah, pakatatag ka, mahirap man pero mahal para sakin please wag kang susuko, ayoko na kasing mawala ka pa sakin dahil sobrang mahal kita ! <3
" I will never hurt you. I will never lie to you. I
will always support you. I will forever care for you.
I will never let you cry. We will be together, even after we die "
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment